Mga abandonadong bahay sa Japan ipinamimigay ng libre [Tagalog]

Marami sa ating mga pilipino ay nagnanais na magkaroon ng sariling bahay. Kaya naman marami din sa ating mga kababayan ang nangingibang bansa para lang makaipon at makapag pundar ng sariling bahay. Maliit man ito o malaki basta sama sama ang pamilya ay matatawag na itong tahanan.

Kamaikailan ay nagpahayag ang bansang japan na nais nilang tumulong sa mga taong walang sariling tahanan. Kaya naman naisipan nilang magbigay ng mga pabahay sa mga gustong magkaroon nito. Umabot na kase sa walong milyon ang mga abandonadong bahay rito taong 2013, kaya nila naisipan ipamigay ito.

Naging problema kase ng bansang japan at ng pamahalaan nito ang pagbaba ng kanilang populasyon na mula 127 milyon ay sasadsad ito sa 88 milyon na lamang sa taong 2065 ayon sa kanilang pag-aaral, dahilan para mas dumami ang mga inaabandonang bahay sa kanilang bansa.

Dito na gumawa ng paraan ang gobyerno ng japan para maibsan ang lumalalang problema sa lumolobong inaabandonang bahay. Ilan sa mga bahay na ito ay naibenta na lamang sa murang halaga o kaya naman ay pagbibigay ng subsidy ng gobyerno nito.

Meron ding database ang gobyerno ng japan na tinatawag na “Akiya Banks”, na isang database, na tumutulong sa mga taong nagnanais magkaroon ng sariling tahanan. Umaabot umano hanggang 30 milyong yen o katumbas ng 14 milyong piso ang isang bahay sa naturang database.

Mayroon ding isa pang proyekto ang gobyerno nito sa ilalim ng “Gratis Transfer” o “Zero Yen”, na isang proyekto para naman sa mga mahihirap na di kayang makabili ng sariling bahay. Isang kasunduan lamang ang magiging basehan kung saan magbabayad lamang ng maliit na tax o “agent Commission fee” ang taong nais mapasailalim sa programang ito.

Sa mga dayuhan naman na nagnanais na magkaroo ng bahay at lupa sa japan, o nais mapasailalim sa proyektong ito, kinakailangan lamang kumuha ng “permanent resident visa” sa gobyerno ng Japan, para makasali rito.

Ikaw? Papayag ka bang manirahan sa bansang Japan?

 

Post a Comment

0 Comments