10 Most viewed House Tour of Pinoy Celebrities!

Taong 2019 at 2020 ng magsimulang mag-trending ang mga house tour sa Youtube. Dito na nagsimulang magsulputan ang mga iba't ibang house tour sa iba't ibang channel. Mapa Celebrity o vlogger, o simpleng tao man ay gumawa na kani-kanilang bersyon sa kani-kanilang sariling bahay. 

Nilista namin ang top 10 ito na pinaka pinusuan at kinagiliwang house tour sa social media at Youtube. 

Narito ang aming listahan.

1. Bea Alonzo’s House Tour

Last September ng iupload ni bea Alonzo ang kanyang sariling house tour sa kanyang youtube account. Agad naman itong pinusuan ng maraming netizen dahil sa simple pero classy na modern tropical style ng kanyang bahay. Sa kanyang 16 minute video, pinasilip ng actress kung gaano ka sophisticated at kadetalye ang kanyang bahay na kung saan napakalinis tingnan. Mula interior na may magagarang furnitures, para painting nang mga sikat na pintor at mga mamahaling halaman sa paligid ng bahay. Ang pool ng actress ang syang center of attraction ng tour kung saan napapaligiran ito ng glass windows o curtain wall na nagbigay aliwalas at class sa loob nito. Sa ngayon, ang video ng bahay ni Bea Alonzo ay may 4.4 million views na at nasundan pa ng part at na may halos 2 million views naman

Watch the full blog here:

2. Derek Ramsey and Andrea Torres House Tour

Bagamat malaking issue ang nabalita sa dalawang ito last month, kinagiliwan muna ng marami ang naging house tour nina Derek and Andrea. Marami kase ang napa wow dahil sa napakamahal at kakaibang bahay na ito. Ang Bahay ng Aktor (dahil wala na sila) (insert laugh sounds), ay isang 3 storey Modern style design. Sa mga nakapanood ng vlog nilang ito, isa ka sa napamangha sigurado kung gaano ka unique at ka luxurious ang bahay ni Derek. Pagpasok palang ay bubungad na ang isang napaka eleganteng pintuan, na isa sa mga paboritong designer/craftsman ni Derek na si Jinggoy Buensuceso. Nakadisplay naman ang isang napakagandang artwork ni Dominic Jenon pagpasok palang sa bahay. Kung di mo pa napanood ang buong house tour na ito ni Derek at Andrea, icheck ang link sa description. Sa ngayon meron ng 2.8  million views ang video nilang ito at nasundan pa ng part 2 kung saan meron naman 1.8 million views.

Watch the full blog here:

3. Ivana Alawi House Tour

Bagamat hindi nakatindig rito sa pinas ang bahay ng sikat na vlogger na si ivana alawi, kinagiliwan pa rin itong panoorin ng karamihan. Mapapa wow ka nga naman sa ganda at laki ng bahay ng dalaga. Sa nasabing video, sinabi ni ivana na dito sya lumaki at nagstay kasama ang kanyang ama at iba pang kamag-anak. The Bahrain Mansion kung tawagin sa social media, ay may 2 malaking living room, pitong nag gagandahang kwarto, mga pasilyo ay decked na may gold accents at napapalibutan ng nagmamahalang mga signature furnitures. Nakwento rin ng dalaga na nirenovate na ito simula ng ibigay sa kanya ng kanyang amang isang morocccan. Kung di mo pa napanood ang buong house tour na ito ni ivana, icheck ang link sa description. Umabot na sa 14 million views ang nasabing video house tour na ito ni ivana simula ng iupload nya nito 9 months ago.

Watch the full blog here:

4. Gabi Garcia House Tour

Isa din sa mga kinagiliwang house tour ng mga sikat ay ang bahay ng actress/vlogger na si Gabbi Garcia. Isang tropical glam umano o isang modern tropical house design ang tema ng bahay ng actress. Nakatindig din sa isang corner lot ang bahay ng actress na syang napapaligiran ng mga pocket garden at ang parking ng kanyang sasakyan. Sa kanyang vlog makikita kung gaano ka elegante ang bahay ng actress mula sa entrance kung saan bubungad ang isang foyer, na may pink couch kung tawagin ni Gabbi katabi ng isang plastic flower arrangement na nagpa elegante sa entrada. Ipinakita rin ni gabbi ang arrangement ng dining area, powder room at ang tambayan ng kanyang daddy na may secret boys room pa. Pinasilip din ni gabbi ang kanilang audio room o studio kasama ang kanyang ate, kung saan nakadisplay ang kanilang collection ng mga musical instruments. Yari naman sa acoustic panel o acoustic wall panel ang pader ng kwarto kung saan isa sa mga paraan para maging noise proof o noise reduction ang isang studio room o audio room. Sa ngayon merong ng 4.8 million views ang vlog na ito ni gabbi at nagkaroon din ng part 2 kung saan meron naman 2.4 million views simula ng iupload nya 5 months ago.

Watch the full blog here:

5. Ang The Kramer’s House Tour

Bago pa man magsilabasan ang mga ibat ibang hosue tour ng mga sikat at youtube vlogger, nauna nang naglabas ng sariling house tour ang team Kramer. Naisipan ng mag asawang Doug Kramer At cheska Garcia Kramer na ivlog ang kanilang bahay sa antipolo para na rin sa kanilang youtube channel at para maipakita ang ganda nito. Umabot na sa 6.4 million views ang kanilang video sa youtube at naifeature na rin sa mga malalaking blogs and news website simula ng iaupload  nila ito. Isang Modern tropical style ang bahay ng mag asawang Kramer,  kung saan nakatindig sa isang hill side lot na may nakapagandang view mula sa deck ng bahay. Kulay Dark Gray at may kombinasyon ng wooden panel cladding ang exterior ng bahay na nagpa eleganted rito. Mapapa sanaol ka nlang sa interior ng bahay kung saan si Doug mismo ang nag supervise ng finishing works. Ang bubong naman nito ay yari sa banawe roofing kung saan isang palatandaan ng topical style architecture. Ang kagandahan sa bahay nilang ito ay may sarili itong classroom, naglalakihang mga walk in closet, master suites na may overlooking view scenery ng buong antipolo. Meron din itong sariling elevator at sariling kwarto ng mga kasambahay. Gumamit ng ng solar panel ang team Kramer para maka menos sa electricity bill dahil nga naman sa laki ng bahay nilang ito ay maaaring umabot ng libo libo ang bills ng kanila kuryente. Sa mga di pa nakapanood, pwede nyong bisitahin ang official youtube channel ng team Kramer na nasa description.

Watch the full blog here:

6: Slater Young’s  Skypod Tour

Isa na siguro sa mga nagbigay ingay sa youtube house tour vlog ay ang bahay ng ex PBB Housemate na si Slater Young. Pasok ang bahay ni engr Slater young sa top 10 dahil na din sa kakaiba at napaka modern design ng kanyang bahay. Tinawag nila itong skypod dahil na din malapit ito sa hill side, na para bang nakalutang sa himpapawid. Umabot sa 4.7 million views ang nasabing house tour ni slater at umani ng napakaraming positive reaksyon dahil na din sa napaka elegante at uniqueness nito. Bilang Engr, kabisado ni Slater ang pasikot sikot ng construction kaya naman isang masterpiece ang pagkakagawa rito. Isang open space o open planning ang pagkakaplano ng skypod kung saan, maaliwalas and bawat area nito. Ayon kay Slater, mas pinili nilang maging ganito ang plano para na din mas marami silang time ng kanyang family together at di masyado magstay sa kani kanilang kwarto ang kanilang anak. Makikita din na less partition ang pagkakalayout ng plano paraan para maging parang isang open area ang buong lugar. Meron lamang 2 kwarto ang skypod kung saan isang guest room at ang master suite makikita dito. Nasa bandang east side naman ang location ng mga kwarto which is a good location for early sun o sun rise. Metal at glass naman ang pangunahing materyales ng skypod na kung saan napakagandang kombinasyon para sa mga type ng ganitong bahay. Napapagitnaan naman and kwarto at living area ng lap pool na nagpaganda pa sa bahay na ito ni slater. Malaki rin ang open space area nito sa labas na napapaligiran ng Bermuda grass. Picture perfect din ang location ng bahay na ito dahil tanaw mula rito ang buong kamaynilaan. Sa mga di pa nakapanood, check link sa description.

Watch the full blog here:

7.  Vice Ganda’s House Tour

Pasok sa number 7 ang bahay ng sikat na comedian host na si vice ganda. Nabili umano ni vice ang kanyang napaka gandang bahay six year ago at natapos ang contruction nito sa loob ng tatlong taon. Kakaiba ang disenyo ng bahay na ito ni vice dahil isang industrial type architecture  ito na kakaunti pa lang ang nakaka appreciate dito sa pinas. Maganda ang konsepto ng bahay, dahil sa uniqueness ng exterior nito. Talaga namang mapapa wow ka sa exterior façade nito na may naglalakihang Glass Window paikot sa bahay. Malalaki rin ang space sa loob ng bahay na tamang tama lang sa actor. Meron din itong elevator na naangkop sa kanyang ina na isang senior citizen at under sa accessibility law ng pinas. Nasa 75-80 percent na ang finished ng bahay ni vice at inaasahang magkakaroon ito ng latest house tour sa hinaharap. Ayon kay vice, nasa 1,300 square meter ang kabuang bahay kaya naman isang mansyon kung ituring ito ng karamihan. As of writing, nasa 6.6 million views na ang video na ito ni vice at ang part 2 naman ay nasa 5.8 million views.

Watch the full blog here:

8. Architect Llyan Austria’s House Tour

Sino ba naman ang di makakakilala sa nag iisang resident architect ng Pinoy youtube? Sya lang naman ang arkitektong may pinaka maraming subscriber as of writing at isa mga mosts watched professional channel ng taong 2020. Tinaguriang Big brain architect ng youtube dahil na din sa mga reaction videos nya sa mga bahay ng sikat na celebrity, youtuber at vlogger. Pero napapaisip ka rin ba kung anong klaseng bahay meron si Architect llyan?. Sa kanyang sariling house tour video, bagamat na I convert na ito into transient house, pinakita pa rin ni Architect llyan kung anong meron bahay meron sya. Three storey house ang plano ng bahay ni architect llyan na naiconvert nya sa 4  four bedroom transient house. Makikita rin sa house nito kung bakit nga ba sya tinaguriang big brain architect ng social media dahil lahat halos ng area ng bahay ay may purpose. Isang modern design and konsepto ng bahay ni architect llyan na dinesenyo nya using 3 types wall system, At pinalooban ng iba’t ibang approach sa materyales gaya ng wood cladding at tiles. Naka tindig ang bahay ni architect sa baguio kung saan perfect ang 4th floor viewing experience kung sino man ang gusting tumuloy rito. As of writing, nasa 3.5 million views na ang video na ito ni architect llyan at may mga mini house tour din sya sa kanyang channel.

Watch the full blog here:

9. Loisa Andalio’s House Tour

Isa na siguro sa mga gumawa ng ingay sa pag upload ng house tour, bago matapos ang 2020 ay ang bahay ng sikat na ex pbb teen house mate na si Loisa Andalio. Mixed reaction kase ang natanggap ng aktres matapos nya ipost sa kanyang youtube account ang kanyang sariling house tour. Sa kanyang youtube account, itinour ni loisa ang kanyang fans sa pinagmamalaki nyang bahay, na sila lang daw mismo ang nagdisenyo at di na kumuha ng architect at iba pang professional. Marami ang nagreact, lalo na ang mga professional sa pinas ngunit marami din naman sumuporta sa actress. Bagamat pwede nating maikategorya na isang modern house ang estilo ng bahay nyang ito, isang simpleng façade lang kase ang makikita sa exterior design ng bahay ni loisa. Marami ding youtuber and nagreact sa bahay na ito ni loisa kaya naman nagtrending pa ito sa twitter at facebook. Nasa 1.4 million views na ang video na ito ni loisa at nasundan pa ng part 2 na may 240k views na bagon upload lang. kung gusto gusto nyong panoorin ang part 2, check link sa description.

Watch the full blog here:

10. Richard Yap’s House Tour

Pasok sa ating top 10 ang bahay ni sir chief na si Richard yap sa ating top 10 house tour ng 2020. Isang Modern Contemporary ang estilo ng bahay na ito si Richard yap, kung saan kombinasyon ng white at black ang exterior design. Meron itong 5 front carport kung saan naka display ang mga sasakyan ng actor. Meron din itong front Terrace na kitang kita ang view ng labas. Ang interior naman nito ay simple at sleek ang design kung saan naka pwesto ang ilang sa mga signature furnitures ni Richard. Meron itong Inside pool na kalaunan  ay kinonvert ng actor sa isang private gym.  Sa ngayon ay di pa naipakita ang kabuuan ng bahay ni Richard at inaasahang sa mga future vlogs nito ay maisama na ang buong bahay nito. Sa ngayon, meron nang 2.8 million views ang video house tour na ito ni Richard 7 months matapos nya itong iupload.

Watch the full blog here:

Pwede nyo din panoorin ang aming espesyal na blog tungkol sa top trending house tour ng mga Celebrity at Vlogger sa video na ito.


Post a Comment

0 Comments