Mga Pamahiin tungkol sa Pintuan sa Bahay (Tagalog)

Ayon sa mga pamahiin, ang pintuan ng mga bahay ang nagsisilbing lagusan ng positibong enerhiya na nagbibigay ng magandang kapalaran sa ating buhay at tahanan. Kaya naman marami sa ating mga pinoy ang naniniwala na may malaking epekto ang lokasyon at pagkakatapat ng mga pinto sa ating tahanan. Inahahalintulad din ito sa "Feng Shui" ng mga tsino.

Photo by Michelle Forrest: https://www.pexels.com/photo/furniture-in-living-room-12982432/

Bagamat isa lamang itong guide at nasa iyo parin kung iyong paniniwalaan ang mga ito o hindi. Narito ang ilan sa mga ito.

1. Bawal magkatapat ang "Main Door" at "Hagdan" ng isang Bahay.

Dahil ang main door ang syang pinaka lagusan ng isang tahanan at isa ito sa natatanging lagusan ng isang bahay, bawala umano itong itapat sa hagdan. Ayon sa paniniwalang ito, nagkakaroon umano ng negative flow ang enerhiya ng isang bahay sa paniniwalang lumalabas ito sa hagdan papuntang Main door kung sila ay magkatapat. 

Inihahambing din ito sa pera na palabas umano and daloy mula hagdan papuntang main door palabas ng tahanan. 

2. Bawal ang Salamin itapat sa Main Door ng isang Bahay

Ayon sa paniniwalang ito, ang salamin umano ang syang reflection ng isang tahanan. Kaya naman, ang paglalagay ng salamin o mirror sa tapat ng isang main door ay nagsisilbi umanong taga absorb ng enerhiya mula labas ng isang bahay. Kung ang labas umano ng isang bahay ay maraming negatibong enerhiya, ito ay magrereflect at iaabsorb ng isang tahanan na may salamin or mirror sa harapan nito.

3. Bawal magkatapat ang mga pinto ng kwarto

Isa na siguro ito sa mga pinaka komplikadong pamahaiin sa mga pinto ng isang bahay. Sinasabing ang magkakatapat na pinto mga silid o kwarto ay nagsisilbi umanong malas dahil ang mga enerhiya umano ay nag hihigupan kapag sabay binubuksan ang mga ito.

Ang negatibong enerhiyang ito ang magdadala ng malas umano sa pamilyang nakatira dito.

Bukod pa sa mga nabanggit, bawal din umano ang mga sumusunod.

-pinto ng kuwarto nakatapat pa ang isang pinto 

-pinto ng kusina nakatapat ay isa pang pinto 

-pinto ng banyo nakatapat ang pinto ng kusina 

-pinto ng banyo nakatapat ang pinto ng kwarto 

-main entrance door nakatapat ang pinto ng exit door

Pero ayon naman sa mga Feng Shui Expert, maaari parin namang kontrahin at bawasan ang mga negatibong enerhiyang lalo na kung ang bahay na meron ka ay nakatayo na o nabili lang at ang konstruksyon ng bahay na ito may mga ganitong lokasyon na pintuan.

Narito ang ilan sa mga ito.

1. Maglagay ng kurtina sa mga pintuan magkakatapat

Unang-una sa mga solusyon na ay ang paglalagay ng kurtina o curtain sa pintuan na magkatapat at dahil naapektuhan ng magkatapat na pinto ang enerhiya sa loob ng bahay ang paggamit ng kurtina ay isa sa pinaka madali at pinaka-epektibong pangontra laban sa masamang enerhiya.

Nakakatulong din ito upang gumawa ng harang sa dalawang pinto na magkatapat. Maaari kang gumamit nang kurtina na nanaisin mo. Maaari ka rin mamili ng disenyo at lucky color na gusto. Marami na rin naman nabibili sa Lazada at Shopee na nasa abot kayang halaga.

2. Paggamit ng mga Krystal o Lucky Crystals 

Ang pagsabit umano ng mga Kristal sa pintuan na magkatapat ay mabisa rin upang labanan ang malas na binibigay ng magkatapat na pinto. Sa pamamagitan ng pagsabit ng mga Kristal sa pintuan na magkatapat, ang negatibong enerhiya ay matutunaw at mawawala.

Pwede kang magsabi ng mga crystals na ang benefits ay proteksyon at positivity pwede ka ring magsabit ng mga clear Quartz crystals na iyong gusto o ang ang iyong lucky crystals na nanaisin mo. Marami din nabibili online na Lucky charm crystal gaya na lamang sa Lazada at Shopee.

3. Paglalagay ng Halamang nakapaso o nakadrawer sa pagitan ng mga pinto

Gaya na lang paglalagay ng kurtina, ang paglalagay ng halamang nakapaso, o nasa isang drawer ay nagssilbing buffer sa pagitan ng dalawang pintuang nakatapat. Nagsisilbi itong harang para di mag agawan ng positive energy and dalawang pinto. 

Hindi man ganun kalakas ang epekto ng mga halamang nakapaso, mababawasan naman nito kahit papano ang negatibong enerhiya sa loob ng mga silid.

Iwasan lamang ang mga halaman sobrang laki, sobrang dahon, at mga halamang maaaring bahayan ng peste gaya ng lamok at langaw. Maaaring mamili sa mga indoor plants store para maiwasan na rin ang sobrang maintenance para paarawan ang mga ito.

Maraming pang ilang paraan para mabawasan ang negatibong enerhiyang ito loob ng bahay. Kung nangamba pa rin, maaaring kang kumonsulta sa mga Feng Shui Expert para mabigyan ng payo mga pampaswerte sa loob ng iyong tahanan.

Maaari din naman kumonsulta sa mga Arkitekto at Inhinyero para sa mga guide sa pagpapatayo ng bahay.


Post a Comment

0 Comments